Face-to-face classes, malabo pang mangyari – Nograles

Kahit umarangkada na ang COVID-19 immunization program ng pamahalaan, malabo pang maisagawa ang face-to-face classes.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ayaw pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hayaan ang mga bata na lumabas ng kanilang mga bahay ngayong pandemya.

Iginiit aniya ng Pangulo na dapat nakatuon muna ang lahat sa vaccine rollout.


Ang limited face-to-face classes ay isasagawa lamang sa mga lugar na may mababang COVID-19 transmission rates.

May ilang private schools at Local Government Units (LGUs) na ang sumang-ayon na maging bahagi ng in-person classes.

Facebook Comments