Face-to-face classes, nananatiling mahalaga sa edukasyon – DepEd

Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na ang pagsasagawa ng physical classes ay mahalaga sa overall growth ng mga estudyante.

Ito ang pahayag ng kagawaran sa harap ng mga hamon bunga ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa DepEd, ang aspetong panlipunan ng pag-aaral ay hindi pa rin mapapalitan o mahihigitan ng distance learning modalities.


Patuloy ang paghahanda ng DepEd sa posibleng pagbabalik ng face-to-face classes habang nagpapatuloy ang konsultasyon at dayalogo sa mga stakeholder.

Ang DepEd ay mananatiling dedikado sa pagbibigay ng ligtas na learning environment sa mga bata.

Habang hinihintay nila ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pilot testing ng limited face-to-face classes sa low-risk areas, patuloy na nakikipag-ugnayan ang DepEd sa mga health experts, magulang, guro at sa mga service providers para sa paghahanda sa physical classes.

Bukod dito, naghahanda rin ang DepEd sa COVID-19 vaccine rollout para sa mga guro at empleyado.

Facebook Comments