Nasa ‘expansion phase’ na ang face-to-face classes sa bansa sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Department of Education (DepEd) USec. Annalyn Sevilla, nasa expanded face-to-face approach na ang kagawaran at mas maraming paaralan pa ang lalahok sa in-person classes simula sa buwan ng Pebrero.
Sa kabuuan ay nasa 287 na pampubliko at pribadong paaralan ang nakiisa sa pilot face-to-face classes sa buong bansa mula November 15 hanggang December 20, 2021.
Matatandaang nauna nang sinabi ni DepEd USec. Nepomuceno Malaluan na mas marami pang grade level ang lalahok sa expanded face-to-face classes.
Facebook Comments