DOH, nakapagtala ng higit 17,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

68

Nakapagtala ng 17,677 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mababa ito kumpara sa 24,938 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3, 459, 646 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 247, 451 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 33,144 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,158, 597 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 53, 598 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 79 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 23 habang may anim na laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments