Pangulong Duterte, nagbantang ibubunyag ang ‘pinaka-corrupt’ na kandidato sa 2022 election

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na papangalan niya ang pinaka-corrupt na kandidato sa pagkapangulo bago dumating ang 2022 election.

Ayon sa pangulo, obligasyon niyang ipaalam sa mga Pilipino ang mga bagay na alam niyang makakatulong sa kanilang pipiliing presidente.

Aniya, ang kaniyang hakbang ay hindi isang uri ng pamumulitika bagkus ay ipinaalam lamang niya sa publiko ang nalalaman batay sa mga impormasyong natanggap at sa sariling karanasan.


Giit pa ng pangulo, bahala na ang mga botante na humusga kung totoo o hindi ang kaniyang ibunbunyag.

Facebook Comments