Isinusulong ng mga kongresista na ibalik ang face-to-face classes sa mga probinsya na walang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Sorsogon 1st District Representative Evelina Escudero, mayroong 589 na eskwelahan ang planong isali sa rollout ng limitadong face-to-face classes sa sentral na bahagi ng mga munisipalidad.
Giniit din ito ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali na kung papahintulan ng Pangulong Rodrigo Duterte ay maisasagawa na ito.
Una nang tinanggihan ni Pangulong Duterte ang face-to-face classes dahil hindi pa nababakunahan ng COVID-19 vaccine ang mga estudyante.
Facebook Comments