Facebook, bawal na sa Russia

Ipagbabawal na ng gobyerno ng Russia ang paggamit ng Facebook sa kanilang bansa.

Ito ay matapos nilabag umano ng naturang pinamalaking social media company sa buong mundo ang mga patakaran ng Russia sa pamamagitan ng paglilimita nito sa online access sa state-backed media.

Ang desisyon ng media at telecoms regulator ng Russia ay ang pinakabagong hakbang sa mabilis na lumalalang standoff sa pagitan ng mga Western tech na kompanya at Kremlin.


Matatandaan, inanunsyo na ng Meta na iba-block nito ang access sa lahat ng Russian state media kasabay ng pag-aalis nito sa mga ads mula sa mga outlet na sinusuportahan ng Kremlin.

Dagdag pa, ini-demote din ng naturang kompanya ang lahat ng content na may koneksyon sa Russian state media sa kanilang online searches.

Facebook Comments