MAGSASAKA, HULI SA KASONG ARSON SA CITY OF ILAGAN

Cauayan City, Isabela- Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang isang magsasaka na itinuturing Top 10 Regional Most Wanted Person sa Lungsod ng Ilagan.

Sa bisa ng isinilbing warrant of arrest ng mga otoridad, matagumpay na nasakote ang suspek na kinilalang si Richard Sapongay, 35 -anyos, walang asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Sindun Bayabo, City of Ilagan, Isabela.

Nahuli ang suspek ng pinagsanib na pwersa na elemento ng Ilagan City Police Station (lead unit); Provincial Intelligence Team- Regional Intelligence Unit 2; PIDMU, IPPO; at 201st Maneuver Company, RMFB2.

Nahaharap ang suspek sa kasong PD 1613 Amending the Law in Arson matapos ipag-utos ni Judge Joel C Bantasan, Acting Judge of RTC Br. 18, 2nd Judicial Region, Ilagan City, Isabela ang pagdakip sa kanya.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng PNP ang suspek para sa tamanag disposisyon.

Facebook Comments