Facebook Philippines, nanindigan na hindi pinapayagan ang nudity at sexual exploitation

Manila, Philippines – Nanindigan ang Facebook (FB) Philippines na hindi nila pinapayagan ang nudity at sexual exploitation.

Ito’y matapos maging usap-usapan sa social media ang mga pribadong group sa FB na ginagamit para sa palitan ng mga malalaswang litrato at video.

Batay sa statement ng FB, agad nilang tinatanggal ang mga nasabing group page kapag inire-report sa kanila.


Ayon kay Catcalled in the Philippines Facebook Group Administrator Koko Rodriguez – agad i-report ang mga page na: ‘pastor hokage’ at ‘pastor hokage bible study’ dahil pinagpipiyestahan dito ang mga litrato ng mga ordinaryong babae o hindi sikat.

Dagdag pa ni Rodriguez – tinatangkilik din sa mga nasabing group page ang child pornography at ang ‘revenge porn’ o yung paghihiganti sa mga babaeng nambasted o hiniwalayan sila.

Isa pa sa ikinababahala ni Rodriguez ay ang paggamit ng mga miyembro nito ng mga salitang galing sa bibliya gaya ng *‘amen’*

Samantala, hinihikayat naman ang National Bureau of Investigation (NBI) ang mga biktima na magreklamo.

Facebook Comments