Mga magpapakilalang magulang ng inabandonang sanggol sa terminal 1 ng NAIA , dadaan sa masusing imbestigasyon

65

Manila, Philippines – Dadaan sa masusing imbestigasyon ang mga magpapakilalang magulang ng inabandonang sanggol sa terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Dr. Sylvette Saceda, pediatrician ng Pasay City General Hospital – nasa maayos nang kalagayan ang sanggol at binigyan na ng gamot para sa posibleng impeksyon.

Nabatid na natagpuan ng janitress na si Maricel Guliman ang sanggol sa palikuran sa nasabing terminal.


Bago niya nakita ang baby, may isang babae ang kanyang nadatnan sa loob ng isang cubicle at nagmamadaling lumabas.

Sa ngayon, nasa pangangalaga ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) ang sanggol.

Facebook Comments