Manila, Philippines – Pinasasampahan ng kaso ni House Dangerous Drugs Committee Chairman Robert ‘Ace’ Barbers ang mga opisyal ng Bureau of Customs na responsable sa pagpapalusot ng 6.4 Billion na shabu sa BOC.
Ayon kay Barbers kabilang sa sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ay sina Customs Commissioner Nicanor Faeldon, Director Neil Estrella, Director Milo Maestrecampo, at Deputy Commissioner Gerardo Gambala.
Irerekomenda din ang pagsasampa ng kaso na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165 na may kinalaman sa drug trafficking, importation at iba pang kaso sa may-ari ng kargamento na sina Richard Tan o Richard Chen, Manny Lee, Kenneth Dong, mga broker na sina Mark Taguba, at Teejay Marcellana.
Ang consignee for hire na si Eirene Mae Tatad ay isinasapinal pa lang ang pagsasampa ng kaso dito.
Dagdag pa ni Barbers na inaaral pa nila ang mga kasong pwedeng isampa sa iba pang opisyal ng District Collector ng Manila International Container Port kung saan lumusot ang iligal na droga.
Pipilitin naman ng komite na tapusin hanggang sa susunod na linggo ang committee report.