FAKE ACCOUNT! | Mga pekeng account, aalisin na ng Twitter

39

Tatanggalin na ng social media site na “Twitter” ang mga pekeng account.

Sa abiso ng Twitter, posibleng mabawasan ang bilang ng mga followers ng isang user sa mga susunod na araw dahil sa mga aalisin nilang locked accounts.

Ayon sa Twitter, pinadalhan na nila ng abiso ang mga locked accounts at sinabihang mag-reset ng kanilang passwords para kumpirmahin kung aktibo pa ang mga ito.

Kung mabibigo ang mga user na kumpirmahin na sila talaga ang may-ari ng account ay tuluyan na itong aalsin ng Twitter.

Ang nasabing hakbang ay gagawin sa lahat ng mga users ng Twitter sa buong mundo.

Facebook Comments