TINUTUTUKAN | Online selling ng iligal na droga – mahigpit na ring binabantayan ng PDEA

5

Manila, Philippines – Doble ang ginagawang pagbabantay ngayon ng PDEA laban sa mga sangkot sa illegal drugs.

Kasunod ito ng pagkakaaresto sa 17-anyos na estudyante sa Davao City na nahuling nagtitinda ng marijuana gamit ang social media.

Ayon kay PDEA-11 Regional Director Antonio Rivera – mas ibinebenta online ang marijuana dahil mas mura ito kumpara sa shabu.

Idinadaan din ng mga kabataan sa social media ang pagtutulak ng iligal na droga sa pag-aakalang hindi ito mabibisto ng mga otoridad.

Facebook Comments