FAKE PNP at PDEA Agents Arestado, 250K na shabu nakumpiska

Apat katao na nagpakilalang mga Police Assets at PDEA Agents ang naaresto at nakumpiskahan pa ng 250,000 na halaga ng shabu sa isinagawang operasyon sa Tacurong City, Sultan Kudarat.
Sa impormasyong ipinarating sa DXMY ni PDEA 12 Director Valente G Cariño, pasado alas 9 ng gabi noong Feb 12 ng ikasa ang operasyon sa Obra Subdivision , Barangay Griño resulta sa pag kakaaresto ng mga suspeks na sina JUDE DELA CRUZ y DINDONG Alias JUDE, 35 years old, businessman, residente ng Apilad Subd., Brgy. Poblacion, Tacurong City, ZENAIDA TEVES y RAGUINDIN Alias INDAY, 40 years old, jobless, residente ng Brgy. Saranay, Tacurong City, JOEMAR GREGORIO y AVILINO Alias CHIN-CHIN, 33 jobless, residente ng Brgy. Poblacion, Tacurong City, at JOEY PACIENTE y ROBINO Alias JOJO, 37 years, jobless, at residente ng New Isabela, Tacurong City.
Nakumpiska sa pag- iingat ng mga suspek ang 51 grams ng Methamphetamine Hydrochloride o Shabu.
Bagaman matagal ng minamanmanan ang mga naaresto, pahirapan ang paghuli sa kanila bunsod sa koneksyon sa mga otoridad at minsay nagpapakilala pang mga PNP at Pdea Assets. Nahaharap na sa mga kaukulang kaso ang mga naaresto.
Mariing namang inihayag ni Director Cariño na hindi nya hahayaang dungisan ng iilan ang kanyang departamento. Magsilbi rin aniya itong babala sa nagpapatuloy sa gawaing illegal.

Facebook Comments