Ayon sa DSWD, nasa 35, 808 FFPs na nagkakahalaga ng mahigit P21 milyon ang nakahanda na sa field office, SWAD offices sa mga lalawigan ng Isabela partikular sa bayan ng Echague at Gamu; Quirino, Nueva Vizcaya, at satellite warehouses sa Tuguegarao City at Lallo sa Cagayan.
Bukod dito, naghanda rin ang ahensya ng 16,623 Non-Food Items na nagkakahalaga ng mahigit sa P21 milyon kabilang dito ang mga family tents, kitchen kits, hygiene kits, sleeping kits, family kits, mosquito nets, sanitary kits at modular tents.
Binigyang diin ni DSWD Regional Director Cezario Joel Espejo na hindi dapat maging kampante lalo na kapag nagbabadya ang sama ng panahon.
Hindi lang aniya sa paghahanda ng mga goods ang kanilang tiniyak kundi ang pagsisiguro na mayroong holistic approach sa pagtugon sa kalamidad.
Dagdag dito, nakatakda rin na pumasok sa isang kasunduan ang ahensya sa pagitan ng lahat ng Local Government Units (LGUs) partikular sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) at mga prone areas sa kalamidad.
Una nang ipinag-utos ni DSWD Secretary Erwin Tulfo ang paghahanda ng mga FFPs at NFIs para sa mabilis na tugon sa panahon ng kalamidad.