Family planning at population issue, dapat talakayin sa presidential debates – POPCOM

Hinimok ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang Commission on Elections (COMELEC) na dapat isama sa presidential debates ang mga isyu hinggil sa population at reproductive health sa bansa.

Ayon kay POPCOM Usec. Juan Antonio Perez III, nagbigay sila ng mga tanong sa COMELEC para sa mga kandidato sa national position kung ano ang kanilang plano sa Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Law at population development policies.

Nabatid kasi na ang lahat ng presidential candidates ay tutol sa abortion.


Dagdag pa ni Perez na ang pagpapalitan ng ideya sa mga tumakatakbong kandidato ay magbibigay ng mas malaking larawan sa kanilang paninindigan hinggil sa naturang usapin.

Dahil dito ay umaasa ang POPCOM na matutugunan ito sa susunod na mga debate at interview.

Facebook Comments