MMDA, magdadagdag ng mga bus na byaheng probinsya ngayong Semana Santa

48

Maglalabas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dagdag na bus na may special permit para makabyahe sa mga probinsya sa Semana Santa.

Ayon kay MMDA Usec. Frisco San Juan Jr., magtatalaga sila ng mga terminal sa Pasay, Monumento at sa Araneta sa Cubao, Quezon City kung saan hihimpil ang mga bus na byaheng probinsya sa panahon ng Semana Santa.

Pero mayroon lang aniya itong oras mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw.


Facebook Comments