Family planning, ginagamit na ng mas maraming Pinoy couples sa harap ng pandemya – POPCOM

Dumarami ang Filipino couples ang gumagamit ng family planning services mula nitong nakaraang taon sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director Juan Antonio Perez III, aabot sa 8,085,000 na lalaki at babae ang kumuha ng modern family planning services nitong 2020.

Tumaas aniya ng apat na porsyento ang bilang ng family planning users sa bansa.


Pangamba ng POPCOM na ang reproductive health at family planning services ay pinangangambahang humina sa ibang urban areas, at posibleng magmitya ito ng hindi inaasahang pagbubuntis, at gender-based violence.

Sa kabila nito, nangako ang POPCOM na palalakasin ang mga polisiya at programa na may kinalaman sa sexual at reproductive health rights ng mga kababaihan sa bansa.

Facebook Comments