FAREWELL CALL | AFP Chief nagsimula nang magpaalam sa mga sundalo sa Mindanao

Nagsagawa na farewell call si AFP Chief of Staff General Carlito Galvez sa tropa ng sundalo sa Mindanao.

Ayon kay AFP Spokesman Brigade General Edgard Arevalo, magkakasunod ang ginawang pagbisita ni Galvez sa Eastern Mindanao command sa Davao City, Western Mindanao command sa Zamboanga City at 104th brigade sa Isabela City, Basilan Province.

Sinabi ni Arevalo sa mga lugar na ito nagtagal ang military career ni Chief of Staff Galvez.


Sa kanyang mensahe sa mga tropa, nagpasalamat si Galvez sa dedikasyon at pagsasakripisyo ng mga sundalo na nagresulta sa tagumpay ng AFP sa misyon para sa mas magandang security climate sa Mindanao.

Hinikayat rin ni Galvez ang tropa na ibigay din ang parehong antas ng katapatan at supporta sa susunod na magiging pinuno ng AFP.

Si Galvez ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa December 12, pagsapit ng kanyang ika-56 taong na kaarawan.

Facebook Comments