Farmers Congress sa Palanan Isabela, Isinagawa!

Palanan,Isabela – Naging matagumpay ang isinagawang Farmers Congress sa bayan ng Palanan Isabela sa kabila ng hindi maayos na lagay ng panahon kahapon.

Ayon kay ginoong Romy Santos, Media Consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na naipaabot parin ng provincial government ang mga serbisyong Medical, Dental, Optical at iba pa sa pangunguna nina Governor Faustino “Bojie” Dy III, Vice Governor Tonypet Albano, maging ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Sinabi pa ni ginoong Santos na muling nadama ng mga mamamayan sa Palanan na hindi nakakalimot ang pamahalaan ng Isabela sa mga coastal town ng probinsya.


Kaugnay nito ang mga programa at serbisyo ng provincial government ay sa ilalim ng BRO tulad ng BRO-Health Card, BRO SSS, BRO Education, BRO Pag-ibig, BRO Lusog, BRO Livelihood at BRO Philhealth.

Samatala nakita na ang pag-angat ng ekonomiya ng Palanan tulad ng pagkakaroon na ng malalaking tindihan, rehabilitasyon ng paliparan at mga daan.

Facebook Comments