Ramdam sa Dagupan City ang kakulangan sa suplay ng imported na patatas, kung kaya’t apektado ang french fries ng mga fast food chain sa lungsod.
Sa isang fastfood chain, nagpaskil na ang mga ito sa bawat menu na out of stock ang kanilang french fries, ang iba naman ay hindi nagseserba ng large fries.
Ayon sa SINAG aminado silang may kakulangan sa suplay ng imported na patatas, bagama’t may produksyon ng lokal na patatas hindi parin ito sapat para tustusan ang pangangailangan ng mga fast food chains.
Dagdag pa ng ahensya, dahil sa patuloy na pagtaas ng krudo at iba pang bilihin gaya ng fertilizer kung kaya’t kakaunti ang suplay ng patatas.
Samantala, ilan sa mga magsasaka sa cordillera region ang tumigil umano sa pagtatanim ng patatas dahil sa mahal ang fertilizer at krudo para sa importasyon nito. | ifmnews
Facebook Comments