Father Chito Suganob, nagdaos ng misa ilang araw matapos marescue

Marawi City – Nagdaos ng misa si Father Chito Suganob ilang araw matapos siyang marescue sa Marawi City.

Ang nasabing misa ay isinagawa kahapon sa loob ng Camp Aguinaldo kung saan dinaluhan ito ng nasa 40 military personnel at mga sibilyan.

Naging bahagi ng kanyang homily ang pasasalamat niya sa mga kawal ng gobyerno at sa panibagong buhay.


Umaasa naman si Father Chito na muli siyang makakapagmisa sa St. Mary’s Cathedral sa Marawi City oras na matapos na ang bakbakan doon.

Facebook Comments