Umaasa ang Malakanyang na mailalabas na sa loob ng linggong ito o sa susunod na linggo ang guidelines para sa paggamit ng saliva test.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mas makatitipid kasi ang ating mga kababayan sa saliva test dahil mas mura ito kumpara sa paggamit ng RT-PCR test.
Sinabi naman ni National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon na nitong nagdaang taon pa naisumite sa regulatory agencies ng Department of Health for approval at validation ang proseso ng saliva test.
Sana lamang aniya ay bilisan na ang pagpapalabas ng guidelines para magamit na agad ito
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOH Spokesperson at Usec. Maria Rosario Vergeire na patuloy pa ang kanilang validation study sa ipinasang trial results ng saliva test na ginawa ng Philippine Red Cross.
Pero, aminado si Vergeire na nakikita na nila ang accuracy ng saliva test.
Una nang napatunayan sa pag-aaral ng University of Illinois sa Amerika na 99% accurate ang detection rate ng saliva tests, base sa one million na sinuri para sa COVID-19 noong 2019.