Nadagdagan na naman ang bansang bawal magpasok ng processed pork products.
Kasunod ito ng inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) na kasama na listahan ang bansang Singapore na bawal magpasok ng nasabing produkto.
Ito na ang pang-30 bansa na pinagbawalan ng FDA na magpasok ng produktong may karneng baboy dahil sa banta ng African Swine Fever.
Kabilang sa mga bansang bawal magpasok ng pork products ay China, Myanmar, Cambodia, South Korea, Malaysia, Laos, Thailand, Vietnam at Indonesia.
Facebook Comments