FDA, nagbabala laban sa kumakalat na lanyard na panlaban umano sa COVID-19

75

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa kumakalat na lanyard na panlaban umano sa COVID-19.

Ayon kay FDA Director General Undersecretary Eric Domingo, hindi rehistrado at walang ebidensiya na epektibo ito laban sa virus.


Maaari pa nga aniyang maging delikado ito sa kalusugan kung patuloy na gagamitin.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang FDA sa mga online flatform para pigilan ang paglaganap ng mga produktong ito.

Facebook Comments