NBA Superstar Lebron James, may plano umanong lumipat sa football

98

Inamin ni National Basketball Association (NBA) Los Angeles Lakers Star Lebron James na may posibilidad na lumipat siya ng football sakaling hindi na muling magbukas ang NBA dahil sa COVID-19.

Ayon kay James, nang magkaroon ng lockout noong 2011 ay nag-apply siya sa football at nagkaroon ng kaunting pagsasanay.


Pero hindi umano natuloy ang paglalaro niya sa National Football League (NFL) dahil biglang tinapos ang lockout noong December 2011.

Unang sumabak sa paglalaro ng football si Lebron noong high school sa St. Vincent at St. Mary sa Akron, Ohio.

Facebook Comments