Naglabas ng babala ngayon ang Food And Drug Administration sa publiko hinggil sa panganib na dulot ng injectible glutathione para pampaputi ng balat.
Ayon sa FDA, posibleng magkaroon lamang ng problema ang mga gagamit nito dahil wala pang malinaw na resulta kung talagang nakakatulong para pumuti kapag naturukan na ng glutathione.
Posible din magkaroon ng side effects ang itinuturok na glutathione lalo na’t isinasabay dito ang vitamin c kung saan maaapektuhan nito liver, kidney at nervous system ng isang tao at maaari din magkaroon ng sakit na Stevens Johnson Syndrome na isang bihirang sakit sa balat.
Dagdag pa ng FDA, Karaniwan ginagawa ang pagtuturok ng glutathione sa health and beauty salons, wellness spa at mga beauty clinic.
Payo pa ng FDA na kumonsulta lamang sa mga certified dermatologist para makasiguro sa pag-aalaga ng kutis at iwasan din bumili ng mga injectible products via online at ireport din sa kanila kung maka-encounter ng ganitong uri ng pagbebenta ng produkto sa kanilang website www.fda.gov.ph o tumawag sa Center for Drug Regulation and Research sa telephone number na (02) 809-5596.