FDA, nilinaw na dalawang brand lamang ng COVID-19 vaccines ang pinapayagan para sa 3 month interval ng booster shots

Nilinaw ng Food and Drug Administration na dalawang brand ng COVID-19 vaccines lamang ang pinapayagang magturok ng booster shots dalawang buwan matapos ang unang bakuna.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, tanging ang Janssen at Sputnik Light lamang na mga single dose ang pwedeng mag-booster pagkatapos ng tatlong buwan.

Habang sa mga bakuna aniyang dalawang dose ang kinakailangan ay nasa anim na buwan ang pinapayagan ng mga eksperto.


Paliwanag ng FDA, makalipas lamang ang anim na buwan bumababa ang efficacy ng mga bakuna kung kaya’t dito lamang kailangang iturok ang booster shots.

Bago niyan, sinabi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na sinisilip nilang paikliin sa tatlong buwan ang interval period para magturok ng boosters sa fully vaccinated individuals.

Facebook Comments