Inilabas ng Food and Drug Administration (FDA) ang listahan ng brands ng mga processed pork meat products na ini-recall dahil sa temporary ban sa mga karneng baboy dahil sa African swine fever (ASF).
Kabilang dito ang mga sumusunod:
Heaven Temple
Highway
Ma Ling
Narcissus
Shabu Shabu
Sky Dragon
Sol Primo
Wang Taste of Korea
Weilin
Ayon kay Food and Drug Administration officer in charge Eric Domingo, noon pang nakaraang linggo niya ipinag-utos ang pag-recall sa mga nabanggit na produkto.
Sinabi ni Domingo na ang African swine fever ay “highly contagious” na sakit ng mga baboy na nasasalin sa mga tao.
Kabilang sa ipinagbabawal ang mga processed pork meat products mula Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova, Belgium, China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.
Kasunod nito mag-iikot ang FDA regulatory board upang matiyak na walang mabibiling banned pork products sa mga pamilihan.
Hinihikayat din nito ang publiko na isumbong sa ahensya kung mayroon silang makita sa mga sari-sari store at grocery ng nabanggit na produkto.
Ang African swine fever (ASF) ay nagdudulot ng lagnat, walang ganang kumain, pagdurugo sa balat at internal organs.