FDA, wala pang namo-monitor na kaso ng adverse effect sa ibang bansa ng mga naturukan ng Sputnik V

Walang natatanggap na report ang Food and Drug Administration (FDA) mula sa ibang bansa na may naitalang adverse effect o malalang epekto ng Gamaleya Sputnik V vaccine na gawa ng Russia.

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na katunayan ay wala pa silang nakikitang anumang signal o red flag mula sa anumang bansa makaraang maturukan ng Gamaleya vaccine.

Sa kabila nito, tiniyak ni Domingo na kapag dumating na sa Pilipinas ang bakuna mula sa Russia ay agad silang magpapatupad ng mahigpit na monitoring kaugnay sa posibleng magiging epekto sa matuturukan nito.


Patuloy rin aniya silang nangangalap ng mga impormasyon sa iba’t ibang mga bansa hinggil sa bisa o efficacy ng nasabing bakuna.

Facebook Comments