Federer, nasungkit ang ika-walong titulo sa Wimbledon

31

Sports – Itinuturing ngayong si Roger Federer ng Switzerland na kauna-unahang lakaing tennis player na nanalo ng walong singles title sa Wimbledon.

Tinalo ni Federer sa championship si Marin Cilic ng Croatia sa sets na 6-3, 6-1 at 6-4.

Ito na din ang pang-labing siyam na titulo ni Federer na huling nag-kampeon sa Wimbledon noong 2012 kung saan nasa number 3 rank ito ngayon ng Association of Tennis Professionals (ATP).

Napaiyak naman ang Croatian player na si Cilic dahil sa injury sa kaniyang kaliwang paa na nararamdaman nito sa kalagitnaan ng laban at matapos ang laro ay agad itong nagpagamot sa ospital.

Facebook Comments