Cauayan City – Namamalagi man sa loob ng piitan, sinisiguro ng BJMP Cauayan katuwang ang Zonta Club of Isabela na walang kababaihan ang maiiwan at maibibigay ang kanilang mga pangangailangan.
Limang babaeng Person Deprived of Liberty (PDL) ang napamahagian ng regalo at livelihood assistance mula sa Zonta Isabela na kanilang magagamit bilang panimulang puhunan upang sila ay kumita ng pera.
Sa pamamagitan nito, nasa loob man ng piitan ay magagawa pa rin nilang masuportahan at maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Ang programang ito ay bahagi ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women na may temang “United for a VAW-free Philippines” “VAW Bigyang Wakas, Ngayon na ang Oras”.
Labis naman ang pasasalamat ng BJMP Cauayan sa Zonta Club of Isabela na pinangunahan ni Hon. Judge Maria Anastacia Manalang-Labog dahil sa kanilang inisyatibo at suporta para sa mga babaeng PDL.