Feng shui expert nagpayo para sa pagsalubong sa 2019

Manila, Philippines – Ilang araw bago ang pagsalubong sa taong 2019 abala na naman ang mga Pilipino sa pagbili ng mga handa sa hapag kainan.

Karamihan sa mga ito ay pinaniniwalaang swerte tulad nalang ng mga bilog na prutas at mga kakanin para dumikit umano ang swerte.

Ayon kay Feng shui expert Hans Chua, magpagulong ng kiat-kiat kasama ng barya sa loob ng bahay.


Ilan sa mga bilog na prutas na maaaring ihanda ay orange na ibig sabihin ay success, pakwan, melon, manga, kiat-kiat na sumisimbolo sa pera, ubas para sa kasaganahan papaya at peras para sa good health habang lemon at kalamansi naman pang tanggal malas.

Sa mga gustong magkaanak, maghanda aniya ng mani habang mga seeds tulad ng butong pakwan kung gusto magkaanak ng lalaki.

Sa kabila nito, paalala ni Feng shui experts Hans Chua, ang mga ito ay gabay lamang at nasa atin pa rin ang pagsasaayos ng kapalaran.

Facebook Comments