FIBA | 2nd import na maglalaro sa Meralco Bolts para sa FIBA, napili na

Napili na ng Meralco Bolts ang kanilang ikalawang import na kasama nilang maglalaro sa FIBA Asia Champions Cup sa susunod na linggo.

Ito ay ang 7 foot 2 na si Liam McMorrow na dati ng naglaro sa PBA bilang import ng Barako Bull noong 2015.

Makakasama ni McMorrow si two time PBA best import Allen Durham na kasalukuyang naglalaro sa Bolts sa PBA Governors Cup.


Hindi naman makakasama sa tournament sina Ranidel De Ocampo at Jared Dillinger dahil sa injury.

Gaganapin ang FIBA Asia Champions Cup sa Thailand mula Setyembre 27 hanggang Oktubre a-dos.

Facebook Comments