PAALALA | Voter’s registration, hanggang Sept. 29 na lang – COMELEC

Nagpaalala ang Commission on Election (COMELEC) na hanggang sa Setyembre 29 na lang maaaring makapagparehistro ang mga botante.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Director James Jimenez, hindi na sila magbibigay ng extension dahil sapat na oras na ang kanilang ibinigay sa mga nais magparehistro.

Kasabay nito, tiniyak ni Jimenez na handa na sila sa gagawing special barangay at Sangguniang Kabataan o SK election sa Marawi City sa Sabado September 22.


Pagkatapos ng halalan sa Marawi sunod na tututukan ng COMELEC ang filling ng Certificate of Candidacy (COC) sa Oktubre 11 hanggang Oktubre 17 para sa May 2019 election.

Facebook Comments