FIBA | Yeng Guiao at Norman Black, pinagpipilian ng SBP na maupong coach ng Gilas Pilipinas

Manila, Philippines – Plano ngayon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na pumili kina Yeng Guiao at Norman Black bilang coach ng Gilas Pilipinas para sa second round ng FIBA World Cup Qualifiers sa susunod na buwan.

Pansamantala silang ipapalit kay Coach Chot Reyes na sinuspindi ng isang laro ng FIBA dahil sa naganap na rambol sa pagitan nila ng Australia noong Hulyo 2.

Isasapinal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa mga susunod na araw ang magiging desisyon nila kung saan mayroon na rin silang mga manlalaro na ipapalit sa mga Gilas players na sinuspendi ng FIBA.


Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Iran sa Setyembre 13 para sa first window ng second round ng FIBA World Cup Qualifiers.

Facebook Comments