NAG-SORRY | Kapamilya network, humingi na ng dispensa kay Dingdong Dantes

Manila, Philippines – Nag-sorry na ang Kapamilya network sa aktor na si Dingdong Dantes.

Ito ay matapos sumulat si Dingsong ng open letter sa management ng top-rating primtetime TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano,” dahil sa paggamit sa photo ng kanyang pamilya sa isa sa mga episode ng programa.

Sa statement na inilabas ni ABS-CBN’S Head of Corporate Communications Kane Errol Choa, humingi sila ng dispensa kay Dingdong at pamilya nito pero wala silang intensyon na hindi irespeto ang nasabing larawan.


Iniimbestigahan na din nila ang pangyayari at sinabi din nila na hindi na ito muling mauulit pa.

Facebook Comments