FIFA | 5-time champion Brazil, paborito ngayon magkampeon sa 2018 FIFA World Cup sa Russia

Dahil sa pagkakasibak sa group stage ng defending champion Germany, ang Brazil ngayon ang lumilitaw na paborito para maiuwi ang kanilang ika-anim na kampeonato sa FIFA World Cup.

Pero kung ang Brazilian coach na si Tite (CHE-CHE) ang tatanungin, ayaw nitong magpaapekto sa sinasabi ng mga bookmaker o mga mananaya.

Pero tiniyak nito na kayang lusutan ng kaniyang mga player ang pressure na malaki ang inaasahan ng kanilang mga fans sa buong mundo.


Bilang top team sa Group E, makakaharap ng 5-time champions ang Mexico sa last 16.

Facebook Comments