FIFTEEN MILLION PESOS NA PONDO, INILAAN PARA SA ITATAYONG SUPER FAMILY HEALTH CENTER SA DAGUPAN CITY

SUPER FAMILY HEALTH CENTER; isang fifteen million pesos worth facility ang itatayo sa lungsod ng Dagupan sa Brgy. Bolosan na siyang pinondohan sa tulong ng Department of Health o (DOH).
Pinondohan ito dahil rin sa suporta ng DOH sa unliserbisyo health programs ng kasalukuyang administrasyon sa lungsod.
Isa kasi sa pinaka-prayoridad ng bawat lokal na pamahalaan ay ang pagbibigay ng mabilisang serbisyo sa publiko lalo na pagdating sa serbisyong medikal, kaya naman ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City ay naglaan ng pondo para sa pagtatayo ng pasilidad na maghahatid ng malapitan at mabilis na serbisyong medikal sa mga Dagupeño.

Ang pagpapatayo ng nasabing pasilidad ay naging possible rin sa tulong ng isang kababayang Dagupeno kung saan ibinahagi ng mga ito ang kanilang lupa para makapagdagdag sa access road papunta sa itatayong facility.
Asahan naman daw ang mabilisang pagsasagawa ng naturang pasilidad nang sa gayon ay maaga itong maka-pagbigay serbisyo sa mga Dagupeno lalo na sa mga kalapit na barangay kung saan ito itatayo. |ifmnews
Facebook Comments