Filipino-Chinese businessmen, humiling ng dayalogo sa pagitan ng Pilipinas at China

Umapela ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ng serye ng dayalogo sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sa harap ito ng nagpapatuloy na tensyon sa mga itinuturing na Exclusive Economic Zones (EEZ) ng Pilipinas kung saan may mga presensya ng Chinese vessels.

Sa ginawang dayalogo kay Philippine Red Cross (PRC) Chairman Sen. Richard Gordon, sinabi ni Victor Lim, vice president ng naturang samahan na mas mainam kung palalimin pa ang kooperasyon ng Pilipinas at China


Gayundin ang pagpapalawak pa pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng trade at turismo lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Sumang-ayon naman dito si Gordon, sa pagsasabing dapat magkaroon na lamang ng partnership ang Pilipinas at China, kaysa manaig ang hidwaan.

Ayon pa kay Gordon, kapag nagkaroon ng joint fishing ng dalawang bansa, kapwa aniya makikinabang ang mamamayan ng Pilipinas at Tsina.

Facebook Comments