Second dose vaccination para sa mga indibidwal na nasa A1-A3 priority groups, ipagpapatuloy ngayong araw ng Manila LGU

49

Ipagpapatuloy ngayong araw ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila ang second dose vaccination para sa mga indibidwal na kabilang sa A1-A3 priority groups.

Partikular na tuturukan ng bakuna ang mga nabakunahan gamit ang Sinovac vaccine noong April 7, 2021.


Nasa 18 second dose vaccination sites ang itinalaga ng Manila LGU kung saan tig-tatlong sites mula sa District 1 hanggang District 6 para sa mabilisang sistema ng kanilang vaccination program.

Paalala ng lokal na pamahalaan, lahat ng tatanggap ng kanilang second dose ng bakuna ay kinakailangan ipakita ang printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin rin ang anumang ID at huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield gayundin ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination sites.

Facebook Comments