Skeleton work force sa DFA-Consular Office sa Tuguegarao, nananatili sa harap ng MECQ Extension

25

Nag-abiso sa publiko ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng pagpapatuloy ng kanilang skeleton work force sa Tuguegarao,Cagayan.

Kasunod ito ng ekstensyon sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Tuguegarao hanggang sa Biyernes,May 7


Ang naturang skeleton work teams ay mag-aasikaso sa emergency o urgent cases lamang tulad ng medical emergencies o ang mga uuwing OFWs na magpapakita ng proof of urgency gaya ng medical certificate, employment contract at valid residence permit o working visa.

Muling babalik sa operasyon ang Consular Office-Tuguegarao sa Lunes, May 10,2021

Ang mga apektado namang aplikante na may confirmed appointments ay pinapayuhang kumuha ng panibagong appointment sa pamamagitan ng pag-email sa tuguegarao.rco@dfa.gov.ph

Habang ang mga aplikante na nangangailangan ng emergency o urgent consular services ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa CO-Tuguegarao sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa tuguegarao.rco@dfa.gov.ph.



Facebook Comments