PAHINGA LANG | Pangulong Duterte, walang birthday celebration na pupuntahan bukas

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacanang na walang anumang Party na pupuntahan o inihanda si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang ika- 73 kaarawan bukas.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, magpapahinga lamang ang Pangulo sa kanyang tahanan sa Davao City kasama ang kanyang mga anak at mga apo.

Sinabi ni Go, kahit noon pa man ay ito na ang ginagawa ng Pangulo sa kanyang birthday.


Nagbigay din naman ng mensahe si Secretary Go para kay Pangulong Duterte kung saan sinabi nito na saba ay magkaroon ito ng mas mahabang buhay at malusog na pangangatawag para makapaglingkod pa ito sa bayan at makasama pa siya ng kanyang mga bahal sa buhay.

Facebook Comments