Nasa anim na bilyong piso na ang nalulugi sa film industry simula ng tumama ang COVID-19 pandemic habang tumaas naman ng 30 hanggang 40 porsyento ang production cost dahil sa mga ipinapatupad na health protocols.
Idinaing ito ni Atty Josabeth Alonzo, corporate secretary ng Philippine Motion Picture Producers Association of the Philippines sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs na pinamumunuan ni Senator Imee Marcos
Para matulungan silang maka survive, ay nanawagan ang grupo ng tax holiday dahil kahit hirap ay patuloy pa rin silang nagbabayad ng amusement tax, “shooting fees” at iba pang buwis sa national at local government units .
Umaasa ang grupo na i-waive ng LGUs ang amusement tax at shooting fees para mabawasan ang kanilang bayarin.