MANILA – Itinakda na ng Commission On Elections (COMELEC) sa susunod na buwan ang final testing at sealing ng mga Vote Counting Machines (VCMs) na nakatakdang ipadala sa 30 philippine posts para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWS) na lalahok sa May 9 election.Sa ilalim ng COMELEC resolution no. 10051, isasagawa ang final testing at sealing ng mga VCMs tatlong linggo bago ang pagsisimula ng pagboto ng mga pinoy sa ibayong dagat sa April 9.Kasabay nito, magsasagawa rin ang COMELEC ng actual casting of votes gamit ang 10 FTs-specific ballots na isasalang sa VCMs.Matatandaang noong Linggo, umabot na sa 9.9 milyong mga balota ang na-imprenta ng ahensiya ayon mismo kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon.
Facebook Comments