FINANCIAL ASSISTANCE | 118 na dating rebelde sa South Cotabato, tumanggap ng P7.6-M

South Cotabato – Aabot sa 118 na dating rebelde sa lalawigan ng Sultan Kudarat at Sarangani sa South Cotabato ang binigyan na ng P7.6 million halaga ng financial assistance sa ilalim ng enhanced comprehensive local integration program.

Ayon kay DILG Undersecretary for Peace and Order Bernardo Florece, Jr., bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng immediate assistance na P15,000.00 at livelihood assistance na P50,000.

Aniya sa kabuuang bilang na rebel returnees, 106 dito ay mula sa Sultan Kudarat at 12 naman ay mula sa Sarangani Province.


Lahat ng benepisyaryo ay nanunuluyan ngayon sa halfway houses o mga receiving facilities para sa kanilang seguridad.

Samantala ang Philippine Army unit na tumanggap sa mga dating rebelde ay binigyan din ng P7,000 reintegration assistance sa ilalim ng nasabing E-CLIP program.

Facebook Comments