Matagumpay na ipinamahagi ang iba’t ibang tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Tayug para sa mga residenteng nangangailangan ng nasabing tulong.
Ibinigay ang tulong gaya ng burial at medical assistance sa mga senior citizens at sa mga lubhang nangangailangan ng tulong na ito para may magamit sila sa oras ng pangangailangan.
Ipinaabot din ng LGU ang mga hybrid seeds sa mga benipisyaryong magsasaka sa bayan upang mabigyan sila ng pagkakataong makapagtanim muli lalo’t may mga nagdaang bagyo na sumira sa kanilang mga pananim at upang mapataas pa ang ekonomiya at higit sa lahat upang mapataas pa ang kanilang mga kita.
Napamahagian din ang mga batang mag-aaral sa bayan sa ilalim ng programang Supplemental Feeding Program ng DSWD na may layuning makatulong sa mga magulang na bigyan ang mga batang mag-aaral ng sapat na timbang at mapabuti ang kanilang pangangatawan.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga nabigyan ng mga tulong na ito dahil kahit papaano ay makakatulong ito sa kanilang pamumuhay. |ifmnews
Facebook Comments