General Santos City—Nakatanggap ng P15,000.00 na immediate Assistance at P50,000.00 na livelihood assistance mula sa Enhance Comprehensive Local Integration Program (CLIP) ang 12 rebel returnees mula sa Sarangani Province kahapon.
Pinangunahan ni DILG Under Secretary Reynaldo Mapago ang pagbigay nga financial assistance sa mga dating kasapi ng New People’s Army na isinagawa sa Sarangani Capitol.
Ang 12 ay sumuko sa mga sundalo, at LGU sa Sultan Sudarat, Davao Del Sur, South Cotabato at Sarangani province kung saan isa sa kanila ay si ka Efren ang Spokesperson ng National Democratic Front (NDF) Far South Mindanao Region na sumuko noong January 15, 2018.
Nagpasalamat naman ang mga rebel returnees sa tulong na ibinigay ng gobyerno sa kanila dahil malaki umano itong tulong sa pagsimula ng bagong buhay na walang bitbit na baril.
Sinabi naman ni Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon na mas pinaigting pa nila ang kanilang programa para sa mga sumukong kasapi ng NPA at mas pinaigting din nila ang kanilang panawagan sa iba pang miyembro ng NPA na gustong sumuko.
Napag-alaman na kalimitang dahilan ng mga sumukong NPA ay ang pagod, gutom at ang hindi na nila maintindihang pamamalakad ng kanilang grupo.