Nakalusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala na nagsusulong ng “financial inclusivity” at “literacy” sa mga rural areas.
Layunin ng Rural Financial Inclusion and Literacy Act na gawing “financially stable” at magkaroon ng kakayahan na maisulong ang personal at economic development ng mga nakatira sa probinsya at underdeveloped areas.
Sa ilalim ng panukala ay ilalatag ang isang mekanismo kung saan ang mga taga-rural areas ay magkakaroon ng patas na access sa financial services.
Itatag dito ang Financial Inclusion and Digital Literacy Program na magsusulong naman na makilahok ang mga taga rural areas sa financial service institutions tulad ng rural banks, lending companies, insurance and pre-need companies, at health maintenance organizations.
Itinutulak din ng panukala na maiangat ang buhay ng mga nasa marginalized sectors kabilang ang mga maliliit na magsasaka, mangingisda, gayundin ang mga informal workers sa pamamagitan ng pagtugon sa malayong agwat ng pagkamit sa financial inclusivity.