Financial literacy, ipinasasama sa aralin ng mga mag-aaral

Isinusulong ng dalawang kongresista sa Kamara na mapasama sa aralin ng mga Junior High School ang financial literacy subject.

Sa House Bill 9058 na inihain nila AAMBIS-OWA Partylist Representative Sharon Garin at Marikina Representative Stella Luz Quimbo ay ipinasasama ang asignatura para sa pag-iipon at pamumuhunan sa curriculum ng mga junior high.

Layunin ng panukala na mabigyan ang mga kabataan ng kagamitan para maagang matuto ng long-term savings at long-term investments bago pa man sila tumuntong ng senior high school at kolehiyo.


Bukod dito, layon din ng panukala na maitaas ang investor education, investor protection at maiiwas ang populasyon sa lumalaganap na scam sa pananalapi.

Sa oras na maging ganap na batas ang panukala ay magtatatag ng National Investor Education Program na magpapayabong sa pananalapi sa parehong existing at potential investors at magiging daan para sa development ng financial markets sa pagtutulungan ng gobyerno katuwang ang finance at investment industry mula sa public at private sector.

Facebook Comments